Moving Up Speech at Concepcion Integrated School
In 2018, I was invited to give a Moving Up Speech to Grade 10 students of my grade school alma mater, Concepcion Integrated School in San Simon, Pampanga.
I was introduced as follows:
Below is a copy of the speech in Taglish and I'm posting it here for keepsake.
Principal ka baaaaaaa?
(Baket?)
Kinakabahan kasi ako… ‘pag nakikita kita.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Congratulations at mayap a gatpanapun pu keko ngan.
I was introduced as follows:
"Our guest speaker will echo the
essence of wit, fun and playful personality.
She is the class president of batch 1998, and was first honorable
mention during her sixth grade at Concepcion Elementary School, now our CIS, Concepcion Integrated School.
She finished secondary school at Saint Mary’s College of Baliuag and graduated
in the top 10% of her batch. She was awarded the Blue Ribbon Conduct Merit Award at Saint Mary’s in 2002.
She had a hard time figuring out the
right course for her, but in 2006, she earned her Bachelor’s of Arts degree, major
in Journalism, at the University of Santo Tomas (UST).
She started working as a book editor
and web copywriter in Manila for about a year and was immediately recommended
by her superiors to be transferred to Singapore
in 2008, for her dedication to her profession.
She handled various marketing
positions for companies, namely SmartIdea Private Limited, Global Yellow Pages
Singapore and International Furniture Fair Singapore. Her specialty at work
revolves in digital advertising and B2B trade marketing.
If through travels, a person learns
by exposure to various cultures and interactions, at age 32, our speaker’s work
and passion for travel, gave this small town woman a chance to see over 30
countries worldwide, including our neighbors in Asia, the United States of
America, Australia, the Schengen area, specifically the Scandinavian and Nordic
countries in Europe.
She attributes her values and
blessings in life, to her persevering and hardworking single mother, who’s a
pork vendor.
Please join me in welcoming Liezl Gutierrez-Castillo."
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Below is a copy of the speech in Taglish and I'm posting it here for keepsake.
Magandang
Hapon po, sa lahat ng mga guro at panauhin. Mas Magandang Hapon po para sa mga magulang, at kamag-anak ng mga Grade 10 at ng
mga sasabitan ng medalya at ribbon. At…
pinakamagandang hipon….este Hapon po sa lahat
ng mga nakaupo ngayon sa mga puting silya, kayo 'yun (look at the students) at kayo rin po dyan sa likod.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Dahil
idolo ko noon ang dating senadorang, si Miriam Defensor Santiago, hayaan ninyong
simulan ko, ang talumpating ito, sa isang pick-up line, okay lang ba?
Principal ka baaaaaaa?
(Baket?)
Kinakabahan kasi ako… ‘pag nakikita kita.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nung nareceive ko, mula
sa PTA President na si Mighty Simbulan, ang invitation para maging guest
speaker, inisip ko, kung ano naman ang sasabihin ko sa inyo.
Bukod sa, hindi naman
ako sikat na artista kahit sabi nila, may hawig raw ako kay Heart Evangelista… kung naging pango at gusgusin siya. Hindi rin
ako milyonarya, para ma-inspire kayo
ng sobra-sobra. Kaya,
kahit anong sabihin ko dito. Alam na alam ko, pagkatapos nito, ang maa-alala
niyo lang, sa lahat ng sasabihin ko ay…. “CONGRATULATIONS, and thank you.”
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
CIS na
kasi ito eh. CIS stands for what? CIS means what? Ano ang CIS? (Pause and let them answer) Tama, pero CIS for me, is 1.) Caring, 2.) Intelligent and 3.
Sexy.
Kaya,
pahiram ng inyong mga CARING na puso, ng inyong mga INTELLIGENT na utak, at
SEXY ninyong mga tenga, para mairaos ko ang talumpating ito.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagpasok
ko kanina sa gate, bumalik ang mga alaala, noong estudyante pa ako…dito… CES pa
lang ito noon, Concepcion Elementary School.
Naging
teacher ko pa sa kinder, si Ma’am CLARA TAYAG, at sa gilid ng simbahan ang
aming munting silid-aralan.
Grade
3 ako, nung nag-umpisa akong mangarap. May panahong, nag-volunteer akong
kumanta sa klase. Kaya, naisip kong, maging singer paglaki ko.
Ngunit,
sa kalagitnaan ng pagkanta ko, biglang sumigaw, ang kaklase kong si Addie Boy
Salvador, (na kapatid
ni Kapitan JONJON Salvador), at
sinabing “boses palaka” raw ako,
kaya tumigil na lang sa pagkanta. Parang tama naman ang kaklase ko, kasi
magdamag na umulan noon, at nagsi-kokak, ang mga palaka, matapos kong umawit.
Noong
high school naman, may panahon, na pinangarap kong maging abogado, matapos
mapaslang ang TATAY ko sa hindi magandang paraan.
Noong
mga panahong ding iyon, unang tumibok ang puso ko, para sa aking FIRST LOVE.
Pero,
malamang, may dahilan kung bakit ginawa ng Diyos, na mas mataas ang posisyon ng
utak, kesa sa puso. Kase,
sa gilid ng UTAK, may dalawang TENGA tayo, na kapag pinagdugtong ay hugis PUSO
rin naman. At ang mga TENGAng ito, ay dapat makinig sa ating mga GURO at
MAGULANG, na siguradong mas HENYO pa, kaysa sa pangalan ng mga sections ninyo,
na NEWTON at EINSTEIN.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Buti
na lang, may assessment test noong high
school, bago kumuha ng kurso sa kolehiyo, at lumitaw, na may malikot “raw” akong imahinasyon, na akma para makapagsulat. Kaya,
pagkakuha ko ng entrance exam, pinili ko ang JOURNALISM.
Kaya
lang, unang sem pa lang, kinausap ako ng guidance counsellor at sinabing pwede
pa raw ako magpalit ng isip kung ayaw ko, ng Journalism.
Sa
resulta kasi ng exam ko, mataas ang nakuha ko sa SCIENCE, at alam kong
ikatutuwa itong marinig, nina Ma’am DAISY DELA CRUZ at Sir EDWIN Maglanque, na naging
guro namin sa Science noon.
‘Wag
niyo nang itanong, ang resulta ko sa Math. ALLERGIC ang beauty ko sa
Mathematics. Okay lang, kung mga numero lang, ang kino-compute. Nalilito na
kasi ako, kapag hinaluan na, ng mga letra ang equations at pinahahanap pa ang
VALUE ng X.
At sabi
nga nila, ang Math problems daw, parang si CRUSH…….. “Kung ‘DI mo MAKUHA…….TITIGAN
mo na lang.”
Sino
bang mga allergic din dito sa Mathematics? Taas ang kamay natin? Look at audience and raise hand. PAREHO TAYO. Malamang,
disappointed sa akin ang GURO ko sa Mathematics noon na si Ginoong Candido
Maglanque, na esposo ni Madam SALLY Maglanque, kung maririnig niya ako ngayon.
Anyway,
balik tayo sa sinabi ng guidance counselor. Sabi niya….AVERAGE lang ang nakuha
ko sa English. Ang kailangan daw sa Journalism, MATATAS, mag-Ingles. HELLO….nakalimutan
yata nila, na pwede ring magsulat sa Tagalog. At si Sir EDDIE YAMBAO yata, ang
teacher ko, sa FILIPINO noon.
Kung
gusto ko raw, pwede pa ako mag-transfer, sa Science courses. Pero, dahil
nakabayad na ng tuition ang nanay ko para sa isang sem. Baka makurot lang niya ang MAITIM kong singit, kapag sinabi kong magsasayang kami ng pera dahil
lilipat ako ng ibang kurso. Baka sa halip na ilang baboy lang, ang katayin niya para itinda sa palengke, ako na ang katayin at itinda niya.
Kaya,
tinapos ko ang JOURNALISM. Sa awa ng Diyos, naging masaya ako sa aking pag-AARAL.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hindi
man mababasa ang pangalan ko sa mga pahayagan hindi mapakikinggan ang boses
ko sa radyo at lalong HINDI AKO nakikita sa telebisyon dahil HINDI rin naman pang-LIZA SOBERANO ang GANDA ko. Ang
degree ko sa Journalism, ang nagbukas ng pinto para maging web copywriter at
kalaunan, napunta sa pagke-create ng content for the marketing promotions ng
mga companies na napasukan ko sa Singapore bilang OFW.
Ito
ang naging daan para ma-diskubre kong NAPAKALAKI pala talaga ng mundo.
Bago
ako mag-30 I was able to see in this LIFETIME, the MONUMENTAL places na
nabasa ko lang sa mga libro at napanood sa mga pelikula at telebisyon. Marami-rami
ring mga bansa ang pinalad kong marating.
May
mga araw na naisip ko na POSIBLE pala ito para sa isang batang galing sa
simpleng BARYO, na gaya ng DUYONG.
Posible
pala, lalo na kung lalangkapan ng tiyaga, pasensya at mabuting pakikisama….sa
mga tao at katrabahong, kahit nagmula sa iba’t-ibang mga LAHI, at may
iba’t-ibang pag-UUGALI.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Most
speakers will tell you, “Follow your dream, kids…but I would
say, as an ordinary person,“Follow your heart.
Sabi nila, “Ang tamang
pangarap, NARARAMDAMAN ng puso, hindi dinidikta ng kani-kaninong NGUSO.”
Pero, HINDI lahat ng
pangarap, ay TAMANG pangarap para sa iyo. Kagaya na lang, ng kagustuhan ko noon,
na maging singer, maging abogado o makatuluyan, sa murang edad, ang first LOVE
ko.
Malamang ang tanong
ninyo, eh Ms. Guest Speaker, paano ko malalaman kung tama ang pangarap ko?
Kung nahihirapan at
napapagod ka physically, pero masaya at fulfilled ka naman spiritually. Kapag stressed ka PERO happy ka, nasa TAMANG
pangarap ka.
Kapag stressed ka at DEPRESSED
ka, nasa MALING pangarap ka.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Corny mang pakinggan, naniniwala ako sa
tadhana. Yung tipo ng tadhana, na nilangkapan, ng dasal, tiyaga at pagpapala.
Kase kung TOTOO na talino at galing ang sikreto sa tagumpay, dapat, wala ako dito ngayon.
HINDI ako, ang pinakamahusay na estudyante noong nag-aaral pa ako. At higit,
na mas marami ang magaling MAG-ISIP, kaysa sa akin.
------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sabi ng henyong si ALBERT EINSTEIN .….. “LIFE is like riding a BICYCLE………to
KEEP your BALANCE, YOU must KEEP on MOVING."
Sino ba ang marunong mag-bisikleta dyan? Taas kamay. Ma’am Verna, pakitaas po ang kamay. Thank you.
Sa BIKING, wala kang ibang pwedeng gawin, KUNDI
mag-balanse.
‘Pag MATARIK at maputik ang daan, TIBAYAN mo ang
iyong mga binti, sa pag-pedal.
Kapag PAKURBA ang daan. KUMURBA rin, at magpagaan KA,
ng katawan. Pwede kang lumiko at umiba ng RUTA, pero ‘wag
kalimutang mag-HELLO, sa mga MAKAKASALUBONG at madadaanan.
Dahil,
ang PAGKATAO at mabuting PAKIKIPAGKAPWA-TAO, ang PEDAL mo sa BIYAHE ng buhay
na ito.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Grade 10 students,
tingnan ninyo, ang mga taong nakapaligid sa inyo.
Tingnan MO yung
kaibigan mong nagpakopya sa’yo sa Mathematics…yung PABORITO mong guro, yung TERROR
mong teacher….yung classmate mong sobrang damot mamigay ng papel…yung, KAKLASE
mong mahilig magsuklay at mag-polbo…yung KAMAG-ARAL mong walang humpay sa
pagfe-FACEbook. Tingnan mo, yung FIRST LOVE ng iyong batang puso. DITO, dito sa CIS…dito
mo lahat sila nakilala, at dito nakisalamuha ka sa kanila. At saan ka man
dalhin ng BISIKLETA ng buhay mo, PARTE na sila ng pagkatao mo. Pause
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
In the university, the grade required to be a cum laude, was at least 1.75, with 1
being the highest. My FINAL grade was 1.7 pause 7….that is…0.02 away from the qualifying grade.
I cried then…OO, UMIYAK ako, matapos ko makita ang
grade ko….hindi dahil nandun
na…konting-konti na lang… cum laude na…. but because, for the first time, I
will be graduating na walang anumang medalm or kahit ribbon na maisasabit ang
nanay ko sa akin.
If you know me too well, ang nanay ko ang buhay ko…
Naiyak ako…kase… my mother, na kilala dito sa atin,
na nagtitinda sa palengke……..
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
na araw-araw sa madaling araw gumigising, duguan
ang kamay, at marusing, sa paghawak ng karne, lamang loob, puso at atay…aakyat
sa entablado hawak ang kanyang panganay, walang medalyang maiwawagayway.
Pero okay lang, may SAMPAGUITA naman sa leeg ko
noon. Pwede na rin.
Salamat IMA, kase… nakuntento ka, na mukha AKONG
POON noong graduation, dahil sampaguita lang ang naisabit mo.
Nasaan yung nanay ko? Nokarin
ca, ima? Paging Mrs. Imelda Gutierrez, Kaway-kaway… Ayan po, si Imelda Papin, nagtitinda pa rin po siya
ng baboy, at nagpapasalamat ako sa kanya, dahil MAG-ISA niya kaming naitaguyod ng mga duguan niyang kamay mula sa araw-araw na pagtitinda sa pamilihang
bayan ng Baliuag.
Sa totoo lang, SIYA dapat ang nagsasalita dito dahil kung WALA siya, WALANG AKO.
Kaya lang, HINDI raw po siya mahusay magsalita at
HINDI siya nakapagtapos ng pag-aaral. Kaya, ako na lang.
Gaya ng
pagpapasalamat ko sa aking ina, pasalamatan natin ang inyong mga magulang.
Salamat po sa ating
mga tatang, ima, guardians, ate, kuya, tito at tita, lolo at lola at sa ating
mga GURO na tinatawag nating pangalawang magulang at lahat ng tumulong para
makarating kayo sa ganitong yugto ng inyong pagiging estudyante.
Pwede bang
palakpakan natin sila, bilang tanda ng ating pasasalamat? Pause and Clap
Sila…silang mga
pinalakpakan natin, ang mga totoong itinakda….ang mga BAGANI ng sansinukob…. Sila ang ating Cardo Dalisay, ang PROBINSYANONG hindi mamatay-matay sa
pagsuporta sa atin. Sila, ang ating
mga DABARKADS at hindi nila tayo tatantanan mula UNANG HIRIT sa UMAGANG
KAYGANDA, SHOWTIME at EAT Bulaga sa Tanghali, hanggang mag-24 ORAS sa gabi. Walang
hanggan natin silang pasalamatan.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hindi sa Grade 10 nagtatapos ang mga pagsisikap nila para mabigyan kayo ng edukasyon. Ngayong
MOVING-UP ceremony ninyo, hindi lang MOVING-UP ang ginawa nila PARA sa inyo.
They
also MOVED-DOWN, BUMABA SILA, tumihaya SILA…tumagilid, tumambling, kumembot at
nagpaikot-ikot…….para mairaos ang mga pambayad…pambaon pagkain… at
pangangailangan ninyo bilang mga mag-aaral.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
At
dahil, sa nasimulan ko na rin lang ang talumpating ito, sa isang pick-up line, hayaan
ninyong tapusin ko ito, ng isa pang pick-up line.
BIOGESIC ka baaaaa?
(Baket?)
BIOGESIC ka baaaaa?
(Baket?)
Kase,
magmu-MOVE-up na, ang SAKIT sa ULO nina Ma’am Verna at Ser Rico.
Congratulations at mayap a gatpanapun pu keko ngan.
Comments